Banggaan ng dalawang tren sa Egypt, 32 ang patay
TAHTA, Egypt (AFP) – Hindi bababa sa 32 katao ang nasawi at higit 160 ang nasaktan, sa banggaan ng dalawang tren sa southern Egypt.
Kaugnay nito ay nangako si President Abdel Fattah al-Sisi na papatawan ng mahigpit na parusa ang mga responsable sa nangyari, na naganap sa panahong hindi pa tapos ang problemang kinakaharap ng Egypt kaugnay ng pagbara sa Suez Canal ng isang higanteng container ship.
Higit isangdaang ambulansya ang ginamit para dalhin ang mga nasaktan sa pagamutan, mula sa pinangyarihan ng banggaan sa Tahta district ng Sohag province, 460 kilometro sa timog ng kapitolyo.
Ayon sa health ministry, hindi bababa sa 32 ang nasawi at 165 iba pa ang nasaktan kung saan 70% ay dahil sa fractures.
Dose-dosenang technicians ang nagtutulong-tulong para alisin ang limang nasira at nadislocate na train wagons.
Ayon sa isang saksi na ayaw magpakilala . . . “We were at the mosque then a child came and told us (about the incident). We heard the collision, so we rushed and found the carnage. The first ambulances arrived around half an hour after the explosion… there were children who removed (debris) using wooden ladders.”
Batay sa surveillance camera footage ng aksidente, isang train carriage ang tumilapon sa ere, nang bumangga ang isang tren na mabilis ang takbo sa isa pang tren na mabagal naming tumatakbo sa riles.
Sa isa namang video na naipost sa social medeia, ay makikita ang isang lalaking ballot ng alikabok na na-trap sa mga bakal na pumilipit sa ilalim ng aisle ng carriage.
Habang naglunsad nan g imbestigasyon, isinisi ng Egypt rail authority ang kolisyon sa isang hindi nakilalang pasahero, na in-activate ang emergency brakes sa ilang bagon ng isa sa dalawang tren.
Ayon sa isang pahayag, sumalpok ang isang tren sa huling bagon ng isa pa na nagging sanhi upang bumaligtad ang dalawang bagon, sa pagitan ng istasyon ng Maragha at Tahta.
Isa sa mga tren ay nasa byahe sa pagitan ng southern city ng Luxor at Alexandria sa Mediterranean coast, habang ang isa naman ay patungo sana sa Cairo at southern city ng Aswan.
Personal na nagtungo sa Sohag si Health Minister Hala Zayed, para tingnan ang mga nasaktan.
Marso rin ng nakalipas na taon, nang masaktan ang hindi bababa sa 13 katao matapos magbanggaan ang dalawang passenger trains sa Cairo, na nagbunsod upang pansamantalang suspendihin ang rail services sa buong Egypt.
© Agence France-Presse