Bangkay ng lahat ng 62 biktima ng pagbagsak ng eroplano sa Brazil, narekober na ng mga awtoridad
Narekober na ng Brazilian emergeny crews ang labi ng 62 mga biktima na lulan ng bumagsak na airliner sa bayan ng Vinhedo, malapit sa Sao Paolo na ikinamatay ng lahat ng sakay nito.
Karamihan sa bangkay ng mga biktima na kinabibilangan ng 34 na mga lalaki at 28 mga babae, ay nailipat na sa police morgue ng Sao Paolo para sa kaukulang identification. Ang bangkay naman ng piloto at co-pilot ay una nang nakilala ayon kay Vinhedo Mayor Dario Pacheco.
Ayon sa regional carrier na Voepass na siyang nag-ooperate sa naturang aircraft, kabilang sa mga biktima ang apat katao na may dual citizenship, tatlo rito ay Venezuelans at isang babaeng Portuguese.
Batay sa ulat ng local outlet na Globo News, ang Venezuelans ay isang apat na taong gulang na batang lalaki, kaniyang ina at lola.
Debris is pictured as emergency personnel work at the site of a turboprop plane crash, in Vinhedo, Brazil August 9, 2024 in this picture obtained from social media. Juninho Giugni via Instagram/via REUTERS
Noong Biyernes, sinabi ng Voepass na ang eroplano ay may lulang 57 na mga pasahero at apat na crew, ngunit noong Sabado ay kinumpirma ng kompanya na may iba pang hindi nabilang na pasahero na sakay din, kayat ang bilang na ng casualties ay umakyat sa 62.
Sinabi ng bumberong si Maycon Cristo, na ginamit ng mga awtoridad ang seat assignments, physical characteristics, mga dokumento at mga pag-aari gaya ng cell phones upang makilala ang mga biktima, kapag ang mga ito ay nailabas na mula sa wreckage.
Ayon naman kay state civil defense coordinator Henguel Pereira, dinala sa Sao Paolo ang kaanak ng mga biktima para magbigay ng DNA samples, upang makatulong sa pagtukoy sa mga bangkay.
Ang tinatawag na “black box” ng eroplano na naglalaman ng voice recordings at flight data ay isinasailalim na sa analysis, ayon kay Marcelo Moreno, pinuno ng Brazilian aviation accident investigation center na Cenipa.
Debris is pictured as emergency personnel work at the site of a turboprop plane crash, in Vinhedo, Brazil August 9, 2024 in this picture obtained from social media. Juninho Giugni via Instagram/via REUTERS
Ang eroplano na isang ATR-72 turboprop, ay patungo sa Sao Paulo galing Cascavel, sa estado ng Parana, at bumagsak sa Vinhedo, may 80 km (50 milya) hilagang-kanluran ng Sao Paulo. Kahit na sa isang residential area ito bumagsak, ay walang nasaktan sa ground.
Sa pahayag ng air force ng Brazil, normal ang lipad ng eroplano hanggang sa tumigil na itong tumugon sa mga tawag at tuluyang mawala ang radar contact. Hindi rin nag-report ang piloto ng anumang emergency o sama ng panahon.
Ang Franco-Italian ATR, na magkasamang pagmamay-ari ng Airbus at Leonardo, ay ang nangungunang producer ng regional turbopop planes na may 40-70 seating capacity.
Sinabi ng ATR sa Reuters noong Biyernes na ang mga espesyalista nito ay “ganap na nakatuon” sa pagsisiyasat sa nangyari.