Bangsamoro Basic Law, inaasahang aaprubahan na ngayong hapon
Inaasahang pagbobotohan na ngayong hapon ng Bicameral conference committee ang panukalang Bangsamoro Basic Law.
Aminado si Senador Juan Miguel Zubiri, head ng Senate Bicam panel na humaba ang debate sa isyu ng mga last minute amendments partikular na sa preamble ng bubuuing Bangsamoro government.
Muntik pa aniyang mag -walk ang mga miyembro ng bangsamoro transition commission sa isyu dahil nais nilang mailagay sa preamble, mga salitang “We the Bangsamoro” pero pinalitan ito ng mga mambabatas ng “We the Filipino people”.
Sumang ayon naman umano ang BTC matapos nilang ipaliwanag na kinakailangan itong gawin ng Kongreso para matiyak na compliant sa konstitusyon ang ipapasang BBL.
Bukod sa isyu ng preamble, kasama sa inamyendahan ng Bicam ang probisyon sa Shariah court kung saan inoobloga ang Bangsamoro Government na abugado at mga miyembro ng Integrated Bar of the Philippines ang itatalaga rito.
Sa kasalukuyan kasing sistema kahit hindi abugado maaring maging miyembro ng shariah court basta’t nakapasa sa pagsusulit na ibinibigay ng Korte Suprema hinggil sa Koran.
Senador Zubiri:
“Sa ngayon limang articles na lamang aniya sa draft ng bbl ang kailangang tapusin at kung maaprubahan ito ngayong hapon maaring malagdaan na ito ng mga miyembro. Kabilang na rito ang isyu ng matrimony and environment, rehab and development, plebescite, bangsamoro transition, amendments and revision at final provisions”.
Ulat ni Meanne Corvera