Bangsamoro Basic Law, malaki ang maitutulong sa kapayapaan sa Mindanao
Malaki ang maitutulong sa kapayapaan ng Mindanao lalu sa mga Moro ang isinusulong na Bangsamoro Basic Law o BBL.
Ito ang naging pananaw ni Political Analyst Professor Ramon Casiple sa nakatakdang pagsertipika ni Pangulong Duterte bilang urgent bill ang BBL bago mag-adjourn ang Kongreso sa May 30.
Pero maipatupad man ang BBL, dapat pa rin aniyang tutukan ng pamahalaan ang kahirapan sa Mindanao na isa sa mga dahilan kung bakit may mga umaanib sa mga International terrorist group kapalit ng malaking kabayaran at seguridad para sa kanilang pamilya.
Aniya, kung may makikitang pag-unlad at mga trabahong i-a-alok sa rehiyon, wala nang dahilan para mag-rebelde ang mga taga-Mindanao.
“Yung atraksyon ng rebelyon mas mababa yan kung gumagana ang buhay ng mga tao kasi kung ikaw ay kumikita at maganda buhay ng pamilya mo, eh bakit ka magpapakamatay dyan, unless may iba kang agenda”.
===========