Bangsamoro Basic Law may tyansa na sa Kongreso

May tiyansa nang makalusot sa Kongreso ang panukalang Bangsamoro Basic Law na nakatakdang isumite ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Senate President Aquilino Pimentel, batay sa impormasyong nakuha niya sa Pangulo, isusumite ang draft ng BBL sa July 18, isang linggo bago siya magsagawa ng State of the Nation Address.

Nauna nang sinabi ng Bangsamoro Transition Commission na tinanggal na nila ang unconstitutional aspect ng BBL na kasama sa draft na isinumite ng nakaraang Aquino administration.

Pagtiyak ni Pimentel agad isasalang sa deliberasyon ang panukala oras na mai-refer na ito sa komite sa pagbabalik ng sesyon sa July 24.

Pero hihimayin aniya nilang mabuti ang detalye ng panukala para hindi ito maideklarang labag sa batas ng Korte Suprema.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *