Bangus industry apektado na ng matinding init
Natuyo ang isang sapa sa Northern Luzon dahil sa matinding init na nakaapekto sa mga local fish industry sa ilang probinsiya.
Ito ay ang sapa sa Casiguran, Aurora na pumatay sa maraming isda.
Napilitan din ang mga bangus grower sa Lingayen, Pangasinan na anihin ng maaga ang mga bangus.
Ayon sa Municipal Agricultural Office, kinakailangan na iforce harvest ang mga bangus para kumita ang mga grower.
Nagbabala naman ang PAGASA na tuloy- tuloy pa rin ang nararanasang matinding init sa bansa.
Ulat ni: Carl Marx Bernardo
Please follow and like us: