Banking system sa bansa, namamalaging matatag – BSP
Tiniyak ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), na namamalaging matatag ang banking system sa bansa.
Sa abiso ng BSP, available pa rin ang financial services, bagamat limitado ito bunsod na rin ng umiiral na enhanced community quarantine.
Bukod dito, nakahanda rin silang tugunan ang lahat na may kaugnayan sa financial services, laluna sa gitna ng krisis.
Ayon sa BSP, tuloy-tuloy ang pakikipag-ugnayan sila sa mga bangko, para matiyak na hindi maaantala ang mga transaksyon at iba pang aktibidad.
Hinikayat din nila ang publiko na gumamit na lamang ng online banking, e-money services, at electronic fund transfer, upang maiwasan ang pagkalat ng virus.
Ulat ni Liza Flores