Bar Exam results, inanunsyo ng SC; UP nakuha ang Top 5 passers
Nakuha ng University of the Philippines ang Top 5 slots sa Top 10 ng 2022 Bar Exam result na inanunsyo ng Korte Suprema.
Ayon kay 2022 Bar Chairperson at Justice Alfredo Benjamin Caguioa, kabuuang 3,992 ang pumasa o katumbas ng 43.47% passing rate.
Ito ay mula sa 9,183 bar examinees na nakatapos sa apat na araw na pagsusulit noong nakaraang Nobyembre.
Ang mga pumasa ay ang nakakuha ng 75% at pataas na grado.
Nanguna sa pagsusulit si Czar Matthew Gerard Dayday mula sa UP Colllege of Law na may grado na 88.8083%.
Pasok din sa Top 10 sina:
MARIÑAS , Ericson Cayabyab – University of the Philippines; CREGENCIA, Christian Claire – University of the Philippines; YU, Andrea Jasmine Ong – University of the Philippines; GATAPIA, Kim Gia Grande – University of the Philippines; BAES, Gabriel Gil Manlambus – University of San Carlos; REYES, Luigi Nico Mosqueda – San Beda University; UY, Rio Mei Lungub – Ateneo de Manila University; VERGARA, Mark David Quinit – Ateneo de Manila University; ORENCIA, Jaims Gabriel Lopez – Ateneo de Manila University.
Manunumpa sila bilang mga bagong abugado sa May 2 sa Philippine International Convention Center (PICC) at lalagda sa Roll of Attorneys.
Ang 2022 Bar exams ang ikalawa sa pagsusulit na isinagawa sa ilalim ng anino ng COVID-19 Pandemic at pangalawang pagkakataon na isinagawa ang digitized at regionalized exams na isinagawa sa loob ng apat na araw noong Nobyembre sa 14 na testing centers iba’t ibang panig ng bansa.
Sa Top 30 na inanunsyo ni Justice Caguioa, 13 ang nakuha ng Unibersidad ng Pilipinas at walo naman ang Ateneo de Manila University.
Habang isinasagawa ang anunsyo, naglagay ang Mataas na Hukuman ng LED wall sa quadrangle ng SC compound kung saan ipinakita ang listahan ng mga pangalan na pumasa sa pagsusulit.
Naka-upload naman sa official website ng Korte Suprema ang resulta ng lahat ng mga nakapasa.
Moira Encina/ Weng dela Fuente