Bar examinations sa Nobyembre, inilipat sa Enero at Pebrero 2022
Hindi tuloy sa Nobyembre ngayong taon ang Bar examinations.
Sa bar bulletin na inisyu ni Bar Chairperson at Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen, sinabi na inilipat ang pagsasagawa ng pagsusulit sa Enero 16, 23, 30, at Pebrero 6, 2022.
Nagpasya ang Korte Suprema na i-reset ang iskedyul ng bar exams matapos ikonsidera ang COVID-19 situation sa buong bansa at sa lahat ng testing sites para matiyak ang kaligtasan ng lahat ng mga bar applicants at personnel.
Nilinaw ni Leonen na magpapatuloy ang lahat ng paghahanda para sa bar exams gaya ng pagpili ng mga bar applicants ng kanilang testing venue at pag-download sa secure exam delivery program at iba pang preparatory activities.
Inihayag ni Leonen na dapat ituring ang resetting ng bar exams ng mga aplikante bilang oportunidad.
Pinayuhan din ng mahistrado ang mga bar applicants na panatilihin ang kanilang momentum.
Aniya dapat tandaan ng mga aplikante na hindi lang dapat sila mag-aral para makapasa sa bar exams kundi para sa makapagsilbi sila nang mahusay sa kapwa.
Ang 2020/2021 Bar exams ang magiging kauna-unahang digitized, localized, at protoctored bar examinations sa bansa.
Moira Encina