Bar examinees hinimok na sumailalim sa self-quarantine
Inilabas na ng Korte Suprema ang omnibus guidelines para isasagawang 2020/2021 Bar Examinations.
Gaganapin ang pagsusulit sa Enero 16, 23, 30, at Pebrero 6 ng susunod na taon.
Kabilang sa mga inilatag ng Office of the Bar Chairperson ang COVID-19 guidelines and protocols.
Ayon sa panuntunan, hinihimok ang mga bar examinees na sumailalim sa self -quarantine simula Enero 2, 2022.
Pinalilimita rin ang non-essential movements ng mga examinees.
Inabisuhan din ang mga examinees na iwasang manatili sa mga dormitoryo at hotels na may high-risk exposure sa COVID-19.
Ipinagbabawal din ang pagsasagawa ng external bar-related activities gaya ng tinatawag na “bar operations” sa paligid ng local testing centers.
Kung ang examinee ay nagprisinta ng positibong COVID-19 test result bago ang unang bar Sunday ay hindi na ito papayagan na kumuha ng bar exams at mamarkahan na “did not finish.”
Moira Encina