Barangay at Sangguniang Kabataan Elections gustong matuloy ni Comerlec Chairman Garcia
Sa Kamara, may mga panukalang batas ang nakahain na layong maipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections na nakatakda sa December 5,2022.
Pero kung si Comelec Chairman George Garcia ang tatanungin, mas gusto niya na sana ay matuloy pa rin ang nakatakdang halalan sa Disyembre.
Pero sakaling makapasa aniya ang mga panukala para sa pagpapaliban ng Barangay at SK elections, nakahanda pa rin naman ang Comelec rito.
Maliban sa halalang pangbarangay, naghahanda rin ang Comelec para sa gagawing plebisito para sa paghahati sa lalawigan ng Maguindanao na nakatakda sa September 17, plebisito para gawing component city ang munisipalidad ng Calaca , Batangas na itinakda naman sa September 3, gawing isang regular na district barangay ang barangay new canaan sa alabel sarangani na nakatakda sa Agosto 20, at plebisito para sa ratipikasyon ng pagsasanib ng dalawang barangay sa Ormoc City, Leyte na itinakda sa Oktubre 8.
Kanina, sa kauna unahang pagkakataon mula nang magsimula ang COVID-19 pandemic ay nagsagawa ulit ng flag raising ceremony ang Comelec na pinangunahan ni Garcia.
Pero dahil umuulan, ginawa ang flag raising ceremony sa loob ng session hall.
Madelyn Villar-Moratillo