Barangay at SK elections, naging mapayapa sa kabuuan- PNP

Mahigpit na  tinutukan at binantayan ng Philippine National Police o PNP ang lahat ng mga lugar sa buong bansa bago at kasagsagan ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Partikular sa tinutukan ng PNP ay ang mga lugar na idineklarang Election hotspots o sa mga lugar kung saan nangyari ang ilang insidente ng pagpatay nitong mga nakalipas na araw.

Ayon kay PNP Chief General Oscar Albayalde,  aabot sa 43 mga violent-related incidents ang kanilang naitala sa kasagsagan ng kampanya at mismong sa araw ng halalan.

33 naman dito ang napatay kabilang ang ilang mga Goverment officials, mga dating opisyal ng gobyerno, mga tagasuporta at mga sibilyan.

Pero ayon kay Albayalde, mababa  ang nasabing bilang kumpara sa nagdaang election 2013 na  aabot naman sa 60 election related incident.

Aabot sa 73, 562 PNP personnel ang idineploy sa iba’t- ibang panig ng bansa upang i-secure ang nasa 36,000 Polling precinct.

 

Ulat ni Earlo Bringas

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *