Barangay Ginebra, champion sa PBA Bubble PHL Cup 2020
Tulad nang inaasahan, nakamit ng Barangay Ginebra ang kampeonato para sa PBA Bubble, Philippine Cup Conference laban sa TNT Tropang Giga, 82-78 na ginawa sa Angeles University Foundation, Angeles Pampanga.
Sa unang pagkakataon mula noong 2006-2007 season ay naghari ang Barangay Ginebra sa All-Filipino Cup. Nalusutan ng GSM Kings ang matikas na pakikihamok na kulang sa tao ang “ TNT Tropang Giga “ upang tapusin ang kanilang finals series sa limang laro.
Napiling “ Best player of the game “ si Japeth Aguilar na gumawa ng 32 points upang pantayan ang kanyang career-high na nagdala sa GSM sa malaking bahagi ng laro bago nanalasa si Stanley Pringle sa fourth quarter.
Nag-ambag si L.A. Tenorio ng 10 points at 6 assists at nakuha nito ang unang All-Filipino Cup title sa kanyang ika-14 season sa PBA.
Saludo umano si coach Tim Cone sa kanyang mga player na todo-bigay ang kanilang laro upang maiuwi ang championship crown. Ito ang pang 23 title ni coach Cone at unang All-Filipino trophy para sa Barangay Ginebra.
Samantala si LA Tenorio naman ang tinanghal na final MVP.. Ayon sa player, championship lang umano ang wish niya, may bonus pa siyang natanggap
Nagtala ang GSM ng dalawang kampeonato ngayong taon makaraang masundan ang kanilang 2020 Governors’ Cup title noong Enero at itong Philippine Cup.
M.A.M.