Barangay officials at Alkalde na may shabu lab sa nasasakupan, dapat kasuhan – Barbers
Pinapanagot ni Surigao del Norte Cong. Robert Ace Barbers ang mga opisyal ng barangay at mga alkaldeng hindi makatutunog sa presensya o operasyon ng shabu laboratory sa kanilang lugar.
Ayon kay Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, dapat may papel ang barangay officials at mga Mayor sa kampanya kontra droga.
Ito’y sa pamamagitan nang pag-detect, pag-monitor at pag-report sa mga otoridad ng kahina-hinalang mga tao na posibleng nagma-mantina ng shabu lab sa kanilang lugar.
“We have to put to task the barangay officials and the mayors in the campaign against illegal drugs by requiring them to detect, monitor and report to authorities persons suspected of maintaining or operating a shabu lab in their area,” -Barbers
Maituturing anyang kapabayaan ng opisyal kung hindi nito malalaman at maire-report ang ganitong pangyayari sa sarili niyang Barangay o Munisipalidad dahil ito ay neglect of duty na dapat panagutan sa batas.
Kasabay nito- isinusulong din ni Barbers na patawan ng mas mabigat na parusa ang may-ari ng mga condominium unit, bahay o bodega na ginamit bilang laboratoryo ng shabu.
Ulat ni : Madelyn Villar-Moratillo