Barangay officials sa Maynila inatasan na asistihan ang mga residenteng senior citizen at person with comorbidity na hindi makapagparehistro online para sa COVID 19 vaccine
Sa Maynila, Inatasan ang lahat ng opisyal ng Barangay na asistihan ang mga senior citizen at person with comorbidity sa pagpaparehistro para sa COVID-19 vaccine.
Sa isang memorandum na inilabas ni Manila Barangay Bureau Director Romeo Bagay, partikular na pinaaasistihan ay ang mga walang gadget o kulang sa kaalamang teknikal para makapagparehistro sa manilacovid19vaccine.ph.
Ang mga magpapabakuna kasi, kailangang magparehistro muna sa nasabing website para sa mabilis na proseso ng pagpapabakuna.
Una rito, nakatanggap ng mga reklamo si Bagay na may mga senior citizen at person with comorbidity sa lungsod ang hindi nakakapagpabakuna dahil hindi sila makapagpa register online.
Madz Moratillo