BARANGAYanihan at Coastal Clean-up isinagawa ng PNP Mariveles, kaalinsabay ng 123rd Independence Day
Kaalinsabay ng pagdiriwang ng ika-123 taon ng Araw ng Kalayaan, nagsagawa naman simultenous BARANGAYanihan,
KALIGKASAN, at Coastal Clean-up ang Mariveles PNP sa Barangay Poblacion, Mariveles Bataan.
Unang isinagawa ng PNP Mariveles ang coastal clean-up sa baybaying dagat ng Sitio Lilimbin sa Barangay Poblacion, katuwang ang Bataan Provincial Explosive and K9-Unit, Kabataan Kontra Droga at Terorismo o KKDAT, at Vanguard Anti-Graft Taskforce Inc., na isang Non-Government Organization sa Mariveles.
Sinundan ito ng BARANGAYanihan, kung saan namahagi naman ng lugaw sa nga residenteng nakatira sa tabing dagat.
Ayon kay Pol. Lt. Col. Cesar Lumiwes, tuloy-tuloy ang isinasagawa nilang BARANGAYanihan at coastal clean-up sa ibat-ibang barangay.
Kaugnay pa rin ng selebrasyon ng 123rd Independence Day na may temang “Kalayaan 2021 Diwa sa Pagkakaisa, Paghilom ng Bayan,” ay nagsagawa naman ng poster making competition ang LGU Mariveles, na may 3 kategorya, Elementary,
Secondary, ALS at Out of School Youth, na ang mananalo ay idedeklara sa June 30,2021.
Ulat ni Larry Biscocho