Barangayanihan, matagumpay na naisagawa sa barangay Ba-ao, Dapitan City, Zamboanga del Norte
Kaugnay sa paglaban sa lumalaganap na sakit sa buong mundo, ay patuloy na nagsasagawa ang mga pulis sa lungsod ng Dapitan sa pangunguna ni Police Lt. Col. Areston D. Limos, ng barangayanihan.
Nakiisa rin sa programang ito ang Dapitan City Tourism Office, sa pangunguna ni Ms. Apple Marie Agolong.
Kasama rin na nakiisa ang Philippine Army, SCAA, at mga pribadong indibidwal, kung saan kabilang sa isinagawa ang pagpapakain ng champorado sa mga bata sa barangay Ba-ao, Dapitan City.
Bukod sa pagpapakain sa mga bata, ay namahagi rin ng grocery items sa bawat sambahayan, nagsagawa ng pagle-lektura kung paano maiiwasan ang COVID 19, sa ilalim ng temang CARE o Coronavirus Awareness Response & Empowerment.
Namahagi rin ng babasahin bilang gabay kung papaano mapigilan ang patuloy na paglaganap ng virus.
Nagpasalamat naman ang pinuno ng barangay na si Kapitana Lucille Bajamunde Bagalanon, dahil isa ang kanilang barangay sa mapapalad na napili para sa barangayanihan.
Ulat ni Julius Esmade