‘Barbie’ humahakot pa rin ng pera sa mga sinehan sa N.America
Kumita na ng tinatayang $93 million ang blockbuster movie ng Warner Bros. na “Barbie” sa North American theaters nitong katatapos na weekend, habang patuloy sa paghakot ng pera.
Kasabay ng dark biopic ng Universal na “Oppenheimer,” na kumita naman ng $46.2 million sa ikalawa niyang weekend, ang dalawang pelikula ay nagbigay ng higit na kinakailangang pagpapasigla sa kalagitnaan ng Hollywood summer.
Sinabi ng isang analyst, “July would have been a lukewarm month, but then ‘Barbie’ and ‘Oppenheimer’ arrived, moviegoing exploded, and within one week, July caught up to its pre-pandemic average.”
Noong nakaraang weekend, kumita ang “Barbie” ng pinakamalaki sa opening weekend ng taon na $80.5 million.
Kinatatampukan ni Margot Robbie bilang “Barbie” at Ryan Gosling bilang “Ken,’ na kasintahan ni Barbie, ang pelikula ni Greta Gerwig ay kumita na ngayon ng $351.4 million sa North American ticket sales, kasama ng $423 million sa ibang bansa, na malamang na maging susunod na billion-dollar flick.
Ayon sa analyst na si Paul Dergarabedian, “Oppenheimer” also showed exceptional strength for a historical drama, with its second-weekend result — like that of “Barbie” — among the best in box-office history.”
Ang pelikula na tungkol sa kuwento ng paglikha sa atomic bomb ng America ay mayroon na ngayong domestic earnings na $174.1 million at $226 million naman sa ibang bansa.
Samantala, sa kaniyang third weekend, ang bagong release ng Disney na “Haunted Mansion,” ay kumita na ng $24.2 million.
Ang pelikula na pinabibidahan nina LaKeith Stanfield, Tiffany Haddish at Owen Wilson, ay ginastusan ng Disney ng $150 million upang mabuo.
Nasa ika-apat na puwesto ang independent film na “Sound of Freedom,” mula sa Santa Fe Films at Angel Studios, na kumita ng $12.4 million.
Namalagi naman sa ika-limang puwesto ang “Mission: Impossible — Dead Reckoning Part One.” ng Paramount. Ang pinakabago sa popular na Tom Cruise series ay kumita na ng $10.7 million, ibig sabihin lahat ng pelikulang nasa top five ay naka-double digit millions na ang kinita.
Nasa ika-anim hanggang ika-10 puwesto naman ang sumusunod na mga pelikula:
“Talk to Me” ($10 million)
“Indiana Jones and the Dial of Destiny” ($4 million)
“Elemental” ($3.4 million)
“Insidious: The Red Door” ($3.2 million)
“Spider-Man: Across the Spider-Verse” ($1.4 million)