Barko ng Filipino fishermen hindi pinalubog ng Chinese vessel
Naniniwala si Senate President Vicente Sotto na hindi pinalubog ng
Chinese vessel ang barkong pangisda na gamit ng mga Filipino fishermen
sa Recto bank.
Kung pagbabatayan kasi aniya ang pahayag ng mga eksperto, ang
sasakyan ng mga Pinoy ay maliit na bangkang pangisda.
Ibig sabihin hindi ito maaring lumantad lalo na sa mga lugar na walang
maritime traffic.
Bukod dito, ang boom ng Chinese boat ang tumama sa mast ng Filipino
fishing vessel na nangangahulugang huli na nang makita sila ng
Chinese vessel.
Sa mga ganitong insidente aniya madalas na kinakabig ng pakanan o
pakaliwa ang barko para maging minimal lamang ang damage gaya ng
nangyari sa bangka ng mga mangingisda.
Pabor naman si Sotto na imbestigahan ang isyu para makumpirma kung
lumubog ba o hindi ang barko ng mga pinoy matapos ang insidente at
matukoy kung sino talaga ang may kasalanan.
Ulat ni Meanne Corvera