Barko ng Indian Coast Guard , dumaong sa Pilipinas
Nasa Pilipinas ngayon ang barko ng Indian Coast Guard na Samudra Parehedar.
Layon ng kanilang port visit na palakasin ang kolaborasyon sa pagitan ng Philippine at Indian Coast Guard.
Una rito,noong Agosto ng nakaraang taon ay lumagda sa isang Memorandum of Agreement ang PCG at ICG para sa Enhanced Maritime Cooperation.
Sa 4 na araw na pananatili ng barko ng India, ilan sa gagawin nila ay joint maritime search and rescue training, joint practical exchanges in ship diving areas, cross training on navigation, firefighting and damage control sa loob mismo ng barko ng India, meron din silang marine pollution response training.
Magkakaroon rin sila ng coastal clean up sa dolomite beach sa Manila Bay.
Nilinaw naman ng PCG na walang kinalaman sa isyu ngayon sa West Philippine Sea ang pagbisita na ito ng barko ng India.
Madelyn Villar – Moratillo