Barko ng PCG na may dalang relief packs para sa mga naapektuhan ng bagyong Odette nakarating na sa Dinagat Islands
Nakarating na ang barko ng Philippine Coastguard sa Dinagat Islands para ihatid ang paunang tulong para sa ating mga kababayan na naapektuhan ng bagyong Odette.
Ayon sa PCG, kabilang sa kanilang inihatid ay 540 sako ng bigas, 30 kahon ng instant noodles, 29 na sako ng relief packs, 14 na kahon ng purified drinking water, at dalawang kahon ng mga delatang pagkain.
Photo courtesy : Philippine coastguard
May dala rin silang 160 disaster kits, 35 piraso ng matting, 15 box ng sabong panlaba, 10 sako ng malinis na damit, 15 kahon ng hygiene supplies, at medical kits.
Ang mga ito ay itinurn over ng PCG sa Emergency Operations Center ng Dinagat Islands para sa mabilis at sistematikong pamamahagi sa mga apektadong pamilya.
Madz Moratillo