Barko ng Vietnam Coast Guard, nakadaong sa pier sa Maynila para sa good will visit
Nakadaong ngayon sa port area sa Maynila ang isang barko ng Vietnam Coast Guard para sa kanilang limang araw na good will visit. Ang CSB 8002 ng Vietnam Coast Guard ay may sakay na 80 crew.
Ayon kay PCG Spokesperson Rear Admiral Armand Balilo, bahagi ito ng pagpapalakas ng relasyon sa pagitan ng dalawang coast guard na may parehong interes sa West Philippine Sea.
“ Mahalaga ito were building partenrship pinapakita pwede pala magkasundo 2 bansa na may problema sa WPS pero pede may template tayo ng pag build ng stronger relationship at ma- apply sa ibang bansa na may claim sa atin…pwede naman pala magkasundo at mag usap pwede de-escalate situation sa pamamagaitan ng gantong activities “ ani Balilo.
Pero binigyang diin ng opisyal na wala itong kinalaman sa isyu ng West Philippine Sea.
Dagdag pa ng opisyal, “ maliban dun wala na tayong pwedeng sabihin na show of force o may kinalaman sa WPS, wala po, ito ay isang goodwill visit at magkakaroon ng activities sa people to people exchange at trabaho ng coast guard.
Bunga aniya ito ng nilagdaang kasunduan nang bumisita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa Vietnam.
Iba’t ibang maritime exercise ang gagawin ng dalawang coast guard sa 5 araw na pananatili nito sa bansa.
Sinabi naman ni Commodore Algier Ricafrente, Deputy Chief of Coast Guard for International Affairs, “ Isa sa activity ay joint search and maritime exercise na pwede magamit ng dalawang panig na magkita sa area at kailangag magtulungan sa rescue dahil busy route ang WPS, marami nadaan na barko, commercial vessel na isa rin sa senaryo natin fire explosion para ma-address paano tayo magtulungan, address pag may ganung insidente “.
Tinitignan naman ng PCG ang posibilidad na sila naman ang magsagawa ng port visit sa Vietnam bilang bahagi ng pagpapalakas ng relasyon ng dalawang bansa.
Madz Villar-Moratillo