Basic salary ng mga Government workers, ipinatataas
Hiniling na ni Senador Ralph Recto sa Duterte administration na itaas ang sweldo ng mga civil servants.
Sa pagdinig sa panukalang 4.1 trillion National budget, pinuna ni Recto ang 31.1 billion para susunod na tranche ng Salary Standardization Law (SSL).
Lumilitaw kasi aniya na sa 2019 budget, umaabot sa 35 billion ang pondo sa SSL pero 12 billion lang ang nagastos para sa miscellaneous personnel benefits fund.
Dahil hindi naman aniya nagagastos ng buo, mas mabuting ire-align na lang ang pondo para sa salary increase ng mga government employees.
Ayon kay Recto, noong Aquino administration, itinaas ang suweldo ng mga Civilian government employees sa pamamagitan ng Executive order.
Maaari rin aniya itong gawin ngayon ng gobyerno at hindi na kailangang hintayin na magpasa ng batas hinggil dito ang Kongreso.
Giit ni Recto, mula ng maupo si Pangulong Duterte tanging suweldo ng mga pulis at sundalo pa lang ang naaprubahang itaas.
Ulat ni Meanne Corvera