Batang naiulat na nawawala matapos ang pag-atake sa Barcelona Spain, patay na
Patay na ang batang naiulat na nawawala matapos ang nangyaring pag-atake sa Barcelona, Spain.
Ito ang kinumpirma ng pamilya ni Julian Cadman, pitong taong gulang na Australian British national , nang sagasaan ng isang van ang mga tao sa kalsada sa naturang lugar.
Si Cadman ay nasa Barcelona para daluhan ang kasal ng isang kamag-anak kasama ang kaniyang ina sa Las Ramblas nang araruhin at sagasaan ang mga tao na nagresulta sa pagkamatay ng labing tatlo at ikinasugat na isangdaan at dalawampu.
Ayon sa Australian Department of Foreign Affairs and Trade, ang ina naman ni Cadman ay kasalukuyang nagpapagaling sa pagamutan matapos masugatan sa nautrang pag-atake.