Batangas PDRRMO, nakaalerto kasunod ng dumaraming Seismic activity ng Bulkang Taal
Patuloy pang nakapagtatala ng mga Volcanic activity sa Bulkang Taal.
Sa pinakahuling tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nasa 268 volcanic earthquake ang naitala sa nakalipas na 24 oras.
Sinabi ni Joselito Castro, pinuno ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), nag-isyu na sila ng Bulletin ang Phivolcs dahil sa hindi bumababa sa 200 ang mga naitatalang pagyanig sa Bulkan.
Pinaghahanda na aniya nila ang mga LGU sa posibleng paglilikas sa mga residenteng nasa panganib na lugar kasama na ang pagbabawal sa mga mangingisda na magtungo sa lawa ng Taal.
Kasalukuyang nasa Alert level 2 ang Taal Volcano.
Sinabi pa ng PDRRMO official na pinaghahanda rin aniya nila ang mga kalapit lalawigan gaya ng Quezon para naman sa karagdagan evacuation centers na pagdadalhan sa mga ililikas.
Joselito Castro, Batangas PDRRMO Head:
“Ang bilin po sa atin ay lalung intensify ang alertness at preparedness kaya bahagi nito ay pinalilimitahan ang pagpasok sa lawa ng mga mangingisda at pinaghahandaan natin ngayon ay ang pag-evacuate sa mga residenteng nasa threatened areas. Gayundin ang kahandaan ng ating mga kalapit-lalawigan gaya ng Quezon at Laguna na tulungan ang Batangas na maging handa sa pag-accomodate ng mga evacuees”.