Batas kailangan para malimitahan ang galaw at biyahe ng mga unvaccinated– IBP
Nanindigan ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) na kailangan ng batas para mahigpitan ang galaw at biyahe ng mga hindi bakunadong indibiduwal.
Sa panayam ng programang ASPN, sinabi ni IBP National President Atty. Burt Estrada na hindi sapat na basehan ang mga resolusyon ng MMDA at ordinansa ng mga LGUs para pagbawalan ang mga unvaccinated na lumabas ng bahay o sumakay sa mga pampublikong sasakyan.
Ito ay kahit na aniya may exceptions sa mga ipinapatupad na polisiya at ipinaiiral lang ito habang Alert Level 3 sa NCR.
Katwiran ni Estrada, malinaw sa jurisprudence ng Korte Suprema na dapat may batas na ipinasa ang lehislatura para malimitahan ang galaw ng isang tao.
Sa ngayon aniya ay walang umiiral na batas na naghihigpit sa right to travel ng mga unvaccinated.
Una nang hinimok ng IBP ang pamahalaan na muling rebyuhin ang mga patakaran gaya ng ‘no vaccination, no ride policy’ ng DOTr.
Moira Encina