Batas kontra fake news, hindi na kailangan- Malakanyang
Sinabi ni Presidential Communications Assistant Secretary Anna Marie Banaag na sapat na ang Libel law at Anti -Cybercrime law para maparusahan ang mga nagkakalat ng fake news.
Ayon kay Banaag ang kailangan lamang ay palakasin ang pagpapatupad ng binabanggit na batas upang maparusahan ang mga gumagawa ng fake news na kalimitan ang nakakasira ng reputasyon ng isang tao.
Iginiit ni Banaag na kailan man ay hindi pinapayagan ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggamit ng fake news sa mga ahensiya ng pamahalaan.
Ulat ni Vic Somintac
=== end ===
Please follow and like us: