Batas laban sa hazing ipinarerepaso na sa Senado
Bukas ang mga senador na rebyuhin ang batas laban sa hazing.
Kasunod nito ng pagkamatay ng isang estudyante na si John Matthew Salilig dahil sa hazing.
Ayon kay Senador JV Ejercito kailangan tingnan kung may kulang pa sa implementasyon ng batas.
Reclusion Perpetua na ang parusa laban sa sinumang sangkot sa hazing pero taning niya bakit may nakakalusot pa.
Hinimok naman ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang iba’t ibang eskwelahan na tingnang mabuti kung naipatutupad ang mga mekanismo sa anti hazing law para protektahan ang mga kabataan.
Para kay Senador Bong Go maaaring tingnan kung ano ang ginagawang monitoring ng mga eskwelahan at mahigpit bang naipatutupad ang batas laban sa hazing.
Dahil nakalulusot pa rin ang mga ganitong kaso ng pang-aabuso.
Iginiit ni Go na hindi pagpaparusa ang sukatan ang brotherhood at dapat matigil na ang ganitong uri ng pagpaparusa.
Meanne Corvera