Batas na magpapahintulot ng 100% foreign ownership sa ilang negosyo sa bansa, pinirmahan ni PRRD
Ganap ng batas ang Republic Act 11647 o ang batas na mag-aamyenda sa Foreign Investments Act of 1991 matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang nasabing batas ay naglalayun na palakasin pa ang foreign investment sa bansa sa pamamagitan ng pagluluwag sa ilang restriksyon sa usapin ng pamumuhunan ng mga dayuhan.
Sa ilalim ng bagong batas pinapayagan na ang foreign investors na makakapag-set up at magkaroon ng 100 percent ownership ng small and medium enterprises o SME sa bansa.
Pinapayagan rin ang mga dayuhan na magkaroon ng hanggang 100 percent equity sa domestic market enterprises sa mga areas na hindi kabilang sa foreign investment negative list ng bagong batas.
Nakapaloob din sa bagong batas ang medium-term at long-term comprehensive and strategic Foreign Investment Promotion and Marketing Plan na nakabase sa competitive advantages, natural resources, skill and educational development, at international market best practices.
Vic Somintac