Batas na nagbabawal sa importasyon ng ukay ukay ipinababasura
Gawing legal ang importasyon at pagbebenta ng mga used clothing at iba pang gamit o ukay-ukay.
Sa kaniyang inihaing Senate Bill 1778, nais ni Senador Raffy Tulfo na ipawalang bisa na ang Republic Act 4635 o batas na nagbabawal sa importation ng textile articles.
Layon ng batas na protektahan ang kalusugan ng publiko at mapanatili ang dignidad ng bansa.
Pero ayon sa Senador nagkalat na ngayon ang mga ukay-ukay business na malinaw na illegal at hindi naipatupad ang batas.
Pinapayagan rin aniya ang pamimili ng ukay-ukay sa ibang bansa kaya maituturing ito na ngayon underground business.
Sa panukala ni Tulfo, ang tariff commission ang aatasang kumilos para alamin kung magkano ang buwis na dapat ipataw sa ganitong negosyo lalo na sa importasyon ng ukay-ukay.
Habang ang DOH ang magtatakda ng health standards sa mga importation at distribution ng mga inangkat na ukay-ukay.
Meanne Corvera