Batas para sa Mandatory vaccination ng mga bata pinaamyendahan

Isinusulong ni Senador Francis Tolentino ang panukalang palawakin ang mga edad na sakop ng Mandatory basic immunization sa mga sanggol at bata sa ilalim ng Republic Act no. 10152.

Sa kasalukuyang batas, anim na buwan hanggang limang taong gulang lang ang mga batang nasa ilalim ng Mandatory vaccination ng gobyerno.

Ayon sa Senador, makakatulong kung palalawakin hanggang 11 taong gulang ang batang sasailalim sa mandatory vaccination, mas mapapabilis ang pagbabakuna laban sa COVID- 19.

Maiiwasan rin ang mga kalituhan at hindi na kailangang humantong korte ang isyu tulad ng petisyon na inihain sa QC rtc.

Samantala inilunsad ngayon ng MMDA ang resbakuna kids para sa mga batang may edad lima hanggang 11.

Nakapila na para bakunahan dito ang anak ng ilang celebrities at mga PBA players.

Meanne Corvera

Please follow and like us: