Batas sa Agricultural smuggling pinaamyendahan sa Senado
Nais paamyendahan ni Senador JV Ejercito ang Republic Act 10845 o ang Agricultural Smuggling Law.
Bilang author ng batas, nakalulungkot aniya na pitong taon pagkatapos itong maisabatas, wala pa ni isang bigtime smugglers ang naaresto, nakakasuhan o naipakulong.
Sa kabila yan ng nangyayaring talamak na smuggling ng agricultural products kabilang na ang sibuyas.
Sa isinusulong na amyenda ni ejercito nais nitong isama ang profiteering, cartel, at hoarding ng agricultural products at idedeklarang economic sabotage para maprotektahan ang mga Pilipinong magsasaka.
Kinokonsidera rin ng mambabatas ang pagpapalakas ng law enforcement aspect ng naturang batas.
Hindi raw dapat ipaubaya lang sa Bureau of Customs ang pagbabantay sa mga smuggler dahil wala silang ginagawang hakbang.
Sa panukala isasama na ang Department of Agriculture Department of Trade and Industry DOJ, DILG, PNP at Philippine Coast Guard sa pagpapatupad ng batas.
Ikinukunsidera rin na patawan ng mas mabigat na parusa ang mga opisyal ng gobyerno na mapapatunayang kasabwat sa pagpapapasok ng smuggled products sa bansa.
Meanne Corvera