Batas sa Anti-graft, pina-aamyendahan sa Senado
Pinaaamyendahan na ni Senador Panfilo Lacsin ang Republic Act 6317 o ang Anti-Graft law pata umakma sa kultura ng mga Filipino.
Partikular na tinukoy ni Lacson ang Code of Conduct and Ethical standards for public officials ang employees na nagbabawal sa mga empleyado at opisyal ng gobyerno na tumanggap ng anumang regalo.
Nauna nang sinabi ng Pangulo na maaari namng tumanggap ng regalo o pabuya ang mga pulis bilang reward.
Ayon kay Lacson, masyado kasing mahigpit ang kasalukuyang batas at hindi na naikukunsidera ang ugaling Filipino na pagtanaw ng utang na loob na nagbibigay ng regalo o pabuya kapag nakagawa ng tama.
Inihalimbawa nito ang pagkakasagip niya sa kidnap victim na si Robina Gokongwei noong siya ay opisyal pa ng PC Metrocom.
Iginiit ni Lacson na ang amyenda ay hindi para suportahan ang Pangulo o anumang maling hakbang ng ilang tiwaling tauhan o opisyal ng gobyerno pero dapat maging malinaw sa magiging amyenda kung ano ang gratitude at bribery.
Ulat ni Meanne Corvera