Bayad sa mga gurong magsisilbi sa Brgy. at SK elections, isinasapinal na ng Comelec at DepEd
Tinatapos na ng Comelec at Department of Education o DepEd ang kasunduan hinggil sa magiging tungkulin at sahod ng mga Public school teachers sa May 14 Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez, i-a-anunsyo nila sa susunod na linggo ang kompensasyong matatanggap ng mga guro na ibabatay kung ilang araw ang kanilang iginugol na serbisyo sa halalan.
Bagaman wala pa silang partikular na halaga ng matatanggap ng mga teacher, kumpleto na anya ang bilang ng mga gurong magsisilbi sa Barangay at SK polls.
Nangangailangan ang poll body ng mahigit 530 libong Board of election tellers para sa 177 libong polling centers sa buong bansa o tatlong guro sa bawat presinto.
==============