Bayan ng Dilasag sa Aurora nagsagawa ng pagbabakuna sa nasa A2 categories
Sinimulan na ng Department of Health (DOH), sa pamamagitan ng Dilasag Rural Health Unit (RHU), ang pagbabakuna laban sa COVID-19 sa Dilasag Sports Complex.
Ang mga nabakunahan ng Sinovac vaccine ay mga myembro ng Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTs), Barangay Health Workers (BHW), Senior Citizen, at may comorbidities.
Pinangunahan ng OIC Municipal Health Officer Dr. Angelica T. Parilla ang pagbabakuna sa nasabing mga indibidwal.
Tiniyak naman ng mga nangasiwa sa aktibidad na lahat ng mga nagpabakuna, ay dumaan sa masusing screening at orientation ng RHU.
Tumulong naman sa pagpapanatiling nasusunod ang health protocols sa nasabing aktibidad, ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).
Ang naturang programa ay pinangunahan ng DOH at LGU Dilasag, sa pakikipagtulungan ng Punong Bayan Joe P. Gorospe.
Ulat ni Daceryll Rivera