Bayanihan Bakunahan kada buwan para sa mga senior citizen pinag-aaralan ng pamahalaan
Pinag-aaralan ng pamahalaan na magsagawa ng Bayanihan Bakunahan sa buong bansa kada buwan pero para lang sa mga senior citizen.
Ayon kay Health Usec. Myrna Cabotaje, Chairperson ng National Vaccination Operations Center, ay para mapataas pa ang vaccine coverage sa nasabing priority group.
Pero ayon kay Cabotaje, ang magiging plano ay nakadepende sa assessment sa katatapos lang na Bayanihan Bakunahan 3.
Hanggang nitong Pebrero 17, may 6.7 milyong senior citizens aniya ang naturukan na ng unang dose ng bakuna habang 6.7 milyon ang fully vaccinated.
Ayon kay Cabotaje, nasa 2.4 milyon pa ang hindi nababakunahan.
Mahigit 9.2 milyong senior citizens sa bansa ang target mabakunahan ng pamahalaan kontra Covid-19.
Ayon kay Cabotaje, mahalagang mabakunahan na ang mga senior citizen dahil kabilang sila sa may pinakamataas na risk na tamaan ng severe COVID- 19.
Madz Moratillo