Bayanihan to Recover as one Law, aprubado na sa Bicam
Inaprubahan na Bicameral conference comm ang Bayanihan to Recover as One Act.
Ayon kay Senador Sonny Angara, Chairman ng Senate Finance Committee, isasalang na ito sa ratipikasyon sa sesyon ng Senado ngayong hapon para agad maipadala sa Pangulo.
140 billion pesos ang inaprubahang pondo sa panukala batay sa suhestyon ng Economic managers ng Palasyo.
Pero inaprubahan din ng Bicam ang 25 billion na stand-by funds depende sa availability ng pondo.
Layon ng Bayanihan Law 2 na tulungan ang mga sektor na matinding tinamaan ng Covid pandemic na hindi kasama sa mga nabigyan ng ayuda sa Bayanihan Law 1.
Ulat ni Meanne Corvera