BayanMuna, ACT Teachers Partylists’ members, hinatulang guilty sa kasong child abuse
Sinentensiyahan ng Davao del Norte Court na guilty sa kasong child abuse sina dating Bayan Muna partylist Representative Satur Ocampo at ACT Teachers partylist Representative France Castro.
Ang kaso ay nag-ugat sa iligal na pagbiyahe ng mga akusado sa 14 na menor de edad na estudyante sa Talaingod, Davao Del Norte noong Nobyembre 2018.
Sa mahigit 20-pahinang desisyon ng Tagum City Regional Trial Court Branch 2, sinentensiyahan sina Ocampo, Castro, at iba pa ng parusang pagkakulong ng apat na taon hanggang anim na taon.
Pinagmumulta rin ang mga akusado ng P10,000 bilang civil indemnity at P10,000 bilang moral damages sa bawat menor de edad.
Ayon sa Tagum RTC, napatunayan ng prosekusyon beyond reasonable doubt na nalagay sa panganib ang buhay ng mga menor de edad dahil sa ginawa ng mga akusado.
Sinabi pa ng korte na walang balidong katuwiran o awtorisasyon ang mga akusado para ibiyahe ang lumad learners.
Moira Encina-Cruz