BBC journalist na nagko-cover ng Covid protests sa China, inaresto
Inihayag ng BBC na isa sa kanilang mga mamamhayag sa China ang inaresto at binugbog ng mga pulis habang nagko-cover ng mga protesta laban sa zero-Covid policy ng bansa.
Daan-daang katao ang nagtungo sa mga kalsada sa mga pangunahing siyudad ng China, sa isang hindi pangkaraniwang pagpapamalas ng galit ng publiko laban sa estado.
Sa isang pahayag ay sinabi ng BBC, “The BBC is extremely concerned about the treatment of our journalist Ed Lawrence, who was arrested and handcuffed while covering the protests in Shanghai.”
Si Lawrence, na nagtatrabaho sa China bilang isang accredited journalist, ay ilang oras na idinitini, at sa mga panahong ito ay binugbog siya at sinipa ng pulis ayon sa BBC. Kalaunan ay pinalaya rin ito.
Ayon pa sa pahayag ng BBC, “It is very worrying that one of our journalists was attacked in this way whilst carrying out his duties. We have had no official explanation or apology from the Chinese authorities, beyond a claim by the officials who later released him that they had arrested him for his own good in case he caught Covid from the crowd. We do not consider this a credible explanation.”
© Agence France-Presse