BBL, posibleng hindi na sesertipikahang urgent bill ni Pangulong Duterte- ayon sa Malakanyang

 

Wala ng dahilan para sertipikahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na urgent bill ang Bangsamoro Basic Law o BBL.

Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na sa pakikipagpulong ni Pangulong Duterte sa liderato ng Senado at Mababang kapulungan ng Kongreso nagkasundo naman ang mga mambabatas na ipapasa ang BBL bago ang adjournment sine die ngayong linggo.

Ayon kay Roque magkaiba ang bersiyon ng Senado at mababang kapulungan ng Kongreso.

Inihayag ni Roque na anuman ang bersiyon ng dalawang kapulungan aayusin naman ito sa Bicameral Conference Committee.

“Yung Certification may not be necessary….. it could be inacted into law as soon as possible”.

Umaasa ang Malakanyang na malalagdaan ng Pangulo ang BBL bago ang State of the Nation Address o SONA sa Hulyo.

 

Ulat ni Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *