BBM-SARA, Nanguna sa 2022 pulse asia survey
Lalo pang umabante sa pinakahuling survey ng pulse asia sa mga kandidato sa pagkapangulo at pangalawang pangulo sina Presidential aspirant Ferdinand ” Bongbong ” Marcos jr. at running mate na si Davao city Mayor Sara Duterte.
Ginawa ang survey mula december 1 hanggang 6 isang buwan matapos maghain ng certificate of candidacy ang mga kumakandidato.
Sa survey , nanguna si Marcos na nakakuha ng 53 percent sa mga kumakandidati sa pagka pangulo.
Pangalawa lang si Vice president Leni Robredo na may 20 percent, kapwa nakakuha ng 8 percent sina Mayor Isko Moreno at Senador Manny Pacquiao, 6 percent si Senador Ping Lacson.
Nakakuha naman ng point zero percent si Antonio Parlade , zero zero point four percent si Leody de Guzman.
Na dominate naman ni Duterte ang datos sa mga Vice presidentiable na may 45 percent habang pangalawa si Senate president Vicente Sotto na nakakuha ng 31 percent.
Pangatlo sa survey si Senador Francis Pangilinan na may 12 percent , 6 percent si Willie Ong , 1 percent si Lito Atienza habang point zero one percent si Walden Bello sa mga kumakandidatong Senador.
Nangunguna sina Taguig pateros Alan peter Cayetano na may 64.1 percent habang pumapangalawa ang broadcaster na si Raffy Tulfo na may 60 percent.
Meanne Corvera