Beach parties, hindi maaaring ipagbawal sa Boracay dahil sa pagiging isang Tourist destination at party island- Mayor Cawaling

                                           photo credit: boracay beach magazine

 

Hindi maiiwasan na magkaroon ng mga kasiyahan o parties sa mga beach resorts.

Ito ang reaksyon ni Malay, Aklan Mayor Ciceron Cawaling sa naging pahayag ni Tourism Secretary Berna Puyat na tuluyan nang ipagbabawal ang pagdaraos ng mga beach parties sa muling pagbubukas ng Boracay.

Ayon sa alkalde, normal at kailangan sa isang beach na magkaroon ng party lalu na’t ang Boracay ay isang tourist destination.

Maaaring ang ibig sabihin aniya ni Secretary Berna ay magkaroon na lamang ng designated area sa mga private resorts na pagdarausan ng mga parties at hindi na mismo sa beach areas na sinasabing nakaka-pollute ng karagatan.

Giit ni Cawaling, isa sa buhay ng Boracay ay nightlife kaya kailangang iakma rin sa mga turista ang isla upang manatiling tinatangkilik.

Ang Boracay kasi is a party island. May mga ordinansa naman kami tungkol sa mga party, siguro kailangan lang amyendahan yun para s amga bagay na yun. At medyo mahirap yun sa mga turista kasi may nightlife yan eh. Kailangang i-akma rin natin ang destination sa mga turista”.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *