Bed capacity ng mga naadmit sa PGH pumalo sa mahigit 70 percent
Pumalo na sa mahigit 70 percent ng bed capacity ang na admit sa Philippine General Hospital dahil sa patuloy na pagsirit ng kaso ng tinatamaan ng COVID- 19.
Sinabi ni Dr Jonas del Rosario Spokesman ng PGH 230 na mga COVID patients na ang naka admit ngayon sa PGH halos ang itinaas mula sa 30 pasyente lang noong December 25.
Sa mga naka admit na ito, 50 percent ang moderate.
20 percent ang severe habang 30 percent ang critical.
Sa 30 percent na nasa kritikal na kundisyon, mayorya sa mga ito walang bakuna.
Sa kanilang datos 15 hanggang 20 pasyente na may covid ang pumapasok sa ospital araw araw.
Marami rin aniya na nagpositibo sa virus ang nagpapa check na may edad na 20-29 pero dahil mga asymtomatic ay pinayuhang mag quarantine sa bahay.
Tiniyak naman naman ni del rosario na may sapat na gamot ang ospital para sa mga COVID patient.
Ang problema ayon kay del rosario kakaunti na lang ang maaring ilaan na kama para sa mga COVID patients.
Tumanggap raw kasi silaga pasyenteng may malalang sakit tulad ng cancer patients noong mga panahong bumaba na ang kaso lalo na sa metro manila.
Meanne Corvera