Belly fats, maaaring maiwasan sa natural na paraan
Maraming iminumungkahing paraan ang mga Nutritionist at Dietitians upang mabawasan ang fat belly o bilbil.
Kabilang dito ang pagkain ng lima hanggang anim na small meals sa halip na tatlong malalaking meals.
Uminom ng isang basong tubig bago kumain dagdagan ang protein based diet ngunit damihan ang gulay at prutas.
Maglaan ng 30 minutong ehersisyo kada araw.
Ayon pa sa eksperto mainam na pagkagising sa umaga ay uminom ng mainit o maligamgam na tubig at pigaan ito ng katas ng kalamansi at lemon.
Sabi pa ng mga Nutritionist-Dietitian sa panahong ito ng Pandemya mahalaga na binabantayan ang kinakain higit sa lahat ay palakasin ang resistensya ng katawan upang malabanan ang Covid – 19.
Ulat ni Belle Surara