Bench Book para sa Family Courts, inilunsad ng SC
Tiniyak ng Korte Suprema na patuloy nito na isusulong ang mga legal reforms para sa proteksyon at kapakanan ng mga bata.
Ito ang inihayag ni Senior Associate Justice Estela Perlas-Bernabe, Chairperson ng Supreme Court Committee on Family Courts and Juvenile Concerns sa paglulunsad ng Bench Book for Family Courts.
Ayon sa SC, ang libro ay komprehensibong guidebook na nagbabalangkas sa mga procedures sa iba’t ibang aspeto ng family law.
Binigyang-diin naman ni Chief Justice Alexander Gesmundo ang kahalagahan ng dokumento na magsisilbing gabay para sa court personnel kabilang ang mga mahistrado, hukom, at court staff sa pagtrato at disposition ng child at family cases.
Aniya crucial ang bench book sa panahon ito na tumataas ang domestic violence laban sa mga babae at bata bunsod ng kahirapan at
psychosocial distress dala ng pandemya.
Kaugnay nito, inanunsiyo ni Bernabe na pinagtibay na ng SC En Banc ang implementing rules and regulations para sa social aspect ng RA 8639 o Family Courts Act of 1997.
Moira Encina