Benedict Cumberbatch may Hollywood star na
Binigyan na ng star sa Hollywood Walk of Fame ang british actor na si Benedict Cumberbatch.
Ang bida ng “The Power of the Dog” ay pinuri ng Marvel Studios chief na si Kevin Feige at ng “Star Wars” at “Star Trek” director na si JJ Abrams sa ginanap na seremonya sa Tinseltown.
Inilarawan naman ni Cumberbatch, na bida sa paparating na pelikula ng Marvel na “Doctor Strange in the Multiverse of Madness” ang star bilang isang “extraordinary honor.”
Aniya . . . “I’m British so part of me is finding this incredibly painful. The other part of me is quite enjoying this massive ego stroke.”
Si Cumberbatch, na umangat sa worldwide fame sa BBC series na “Sherlock,” ay nominated bilang Best Actor para sa kaniyang pagganap bilang si Phil Burbank sa gothic western “The Power of the Dog” ni Jane Campion na isang psychological drama tungkol sa isang repressed cattle rancher noong 1920s sa Montana.
Makakatunggali niya sa kategorya sina Javier Bardem, Andrew Garfield, Will Smith at Denzel Washington.
Ang 94th Academy Awards gala ay idaraos sa March 27.