Benepisyo para sa mga Medical frontliner, pinatitiyak sa 2022 National budget
Pinatitiyak ni Senador Christopher Bong Go na masisiguro ang kapakanan ng mga healthcare worker na patuloy na lumalaban sa Pandemya.
Sinabi ni Go na dapat ibigay pa rin ang kinakailangang allowances at mga benepisyo ng healthcare workers sa Pambansang budget sa susunod na taon.
May inihain nang panukala si Go para sa mandatory na pagbibigay ng allowances at iba pang benepisyo sa mga healthcare worker.
Sa ilalim ng panukala, dapat bigyan rin ng allowances ang mga frontliner na hindi direktang gumagamot o umaasiste sa Covid-19 patients taliwas sa kasalukuyang patakaran ng gobyerno.
Kasabay nito, hiniling ng Senador na mapondohan ang implementasyon ng utos ng Pangulo na itaas sa salary grade 16 mula sa kasalukuyang salary grade 15 ang buwanang suweldo ng mga nurse.
Meanne Corvera