Bentahan ng imported na isdang Pampano at Salmon sa mga wet market mananatili
Mananatili ang bentahan ng mga imported na isda tulad ng Salmon at Pampano sa mga wet market at iba pang pamilihan sa bansa.
Ito ang tiniyak ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa mga Senador.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Agriculture, sinabi ni BFAR OIC Director Atty. Demosthenes Escoto na mananatili ang umiiral na moratorium para sa malayang bentahan ng mga imported na isda.
Ito’y habang nirerepaso naman ang Fisheries Administrative Order no 195 na nagbabawal sa na itinda sa mga wet market ang mga imported na isda.
Sinabi ni Escoto na inimbitahan nila sa dayalogo ang mga stakeholder gaya ng mga market vendors, mga supermarkets at grocery owners para bumalangkas ng mas malinaw na patakaran hinggil dito .
Nauna nang ipinatawag ng Senado ang mga opisyal ng BFAR para magpaliwanag sa implementasyon ng FAO 195 dahil sa discriminatory.
Meanne Corvera