Berjaya hotel umalma sa closure order
Umalma ang Berjaya hotel sa closure order ng Makati city government.
Sa isang statement sinabi ng Berjaya na wala itong legal na basehan.
Hindi pa raw kasi pinal ang utos ng Department of Tourism .
Katunayan ay binigyan pa sila ng labinlimang araw para umapila.
Wala rin daw ibinigay na due process.
Kwestyon nila paano at saan ililipat ang kanilang walumpung guest na kasalukuyang naka quarantine.
Labingwalo raw sa kanilang guest ang positibo sa virus.
Meanne Corvera
Please follow and like us: