Best practices kontra COVID-19, dapat daw i-adapt ng susunod na administrasyon
Dapat umanong panatilihin ng susunod na administrasyon ang mga magagandang istratehiya na ipinatutupad ngayon bilang bahagi ng COVID-19 response ng gobyerno.
Ilan sa best practices na ito ayon kay Dr Edsel Salvaña, miyembro ng Technical Advisory Group ng DOH, ay ang pagpapanatili sa pagsusuot ng face mask at ang pagsunod sa minimum public health standard.
Mas lalo rin aniyang dapat pagtuunan ng pansin ang pagpapalakas pa ng bakunahan kontra COVID-19.
Giit ni Salvaña dapat i-adapt ang best practices kontra COVID-19 dahil napatunayan namang epektibo ito.
Si Salvaña ay una nang napabalita na posibleng sumunod umanong kalihim ng DOH, bagamat may narinig daw siya tungkol dito focus muna siya sa kanyang trabaho.
Madelyn Villar-Moratillo